Minsan ay namasyal ako sa isang mall at bago pa man ako lumibot ay
naisipan ko munang dumaan sa banyo. Nakasalubong ko ang isang grupo ng mga
bakla, at tinawag ko silang Charlie’s Angels. Nagawa nilang mapukaw
ang atensyon ko dahil narinig kong sumigaw ang kanilang leader ng “mga
bakla, c.r. tayo! Ayy, nalito ako. Saan ba dapat tayo papasok. Sa girls o sa
boys?” Sinabi niya ito na nasa seryosong tono at hindi ko mapigilan
ang sarili ko na matawa. Napaisip din ako nung bandang huli na totoo ngang
napakahirap ng sitwasyon nila sa ating lipunan.
Ayon sa kaibigan kong becky, ang pinakamahirap daw ng parte sa buhay
nila ay ang paglaladlad at pagtanggap ng mga tao sa mga tulad nila. Maraming
pwedeng pag-ugatan ang kanilang tunay na katauhan. Marahil yung iba ay
nakatitig na sa gwapong doctor pagkalabas nila sa sinapupunan ng kanila ina, o
di kaya’y likas ng nasa dugo nila o sa madaling salita ay ang mga baklang
“ready-made”. Mayroon din namang napaligiran ng kapatid na puro babae kaya
nahawa na din sa pagkamalambot nila, at tuluyang nagfeeling babae, ang iba
naman siguro’y bata pa lamang ay may sintomas na ni wonderwoman- paborito
nilang gampanan ang pagiging nanay sa bahay-bahayan, ang pagkahilig sa
lutu-lutuan, at kung anu pa mang gawaing bahay, higit sa lahat ay ang
pagkakaroon nila ng sariling Barbie doll at doll house.
Eto ang proseso ng metamorphosis na pinagdadaanan ng bawat isa sa
kanila...
Ang mga batang pa-girl. Ito ang mga bagets na sa kabila ng kanilang murang
edad ay dumadaan na sa kanilang tinatawag na busilak moment dahil
sa posibilidad nilang mapabilang sa pederasyon. Wari’y walang alam sa mundo na
may umiiral na pala na dugong becky. Hilig nilang panuorin ang mga palabas ni
kuya dick, bukambibig din nila ang ultimate idol nilang si lady gaga, at higit
sa lahat ay tumitikwas na ang kanilang mga daliri’t kumekembot na ang pwet. Sa
kabila ng mga sintomas na taglay nila ay sige pa din sa pagtanggi na hindi cla
bading.
Lumipas ang ilang taon, ang mga batang pa-girl ay bagets na. Sila ay
nagsisimula ng mahumaling sa kapwa lalaki at hindi sa mga babae. Dumaranas na
sila ng pagkalito nila sa atraksyon sa ibang tao. Saan nga ba dapat? Sa babae,
o sa lalaki? Kunwari hindi bakla, pero nagdeday-dream ng kasal-kasalan at
bahay-bahayan with Piolo Pascual.
Nagsimula na ang pakiramdam mong kakaiba ka sa mga normal na lalaki sa
kabila ng pagkakaroon mo ng bigote at adam’s apple. Dito na pumapasok ang Narnia
moment na kung saan ay todo tago ka sa tunay mong pagkatao dahil baka
maitakwil ka ng wala sa oras. Kumbaga para kang isang bulkan na anytime ay
pwede ng sumabog, pero hindi pwedeng ladlad to da max dapat suwabe at
dahan-dahan lang. Sa pagkakataong ito ay kontrolado mo lahat ng kilos at
galaw mo kahit kating-kati ka na bumili ng kikay na headband, at makukulay na
accessories ng idol mong si Jolina. Bukod ditto, bet na bet mo pa ang kanta ni
Christina Aguilera na Reflection. Hala, sige birit pa! “When will my reflection show, who I am inside...”
Bursting moment. Umaabot ka sa puntong hindi mo na kaya at mababaliw
ka kapag hindi ka pa lumadlad. Give na give na dapat. Ito ang parte ng buhay mo
na kung saan ay wala ka nang pakialam sa pwedeng mangyari, ang importante lang
ay makawala ka sa katawan ni batman at pumasok sa katawan ni wonderwoman. Dito
na nagsimula ang iyong pagka-emotera, at todo experiment sa face ang lola.
Natututo ka na din sumali sa iba’t ibang pageant at dinadaig mo na rin ang
tsunami walk ni Shamcey. Pero keribels mga ‘teh! Nagpapakatotoo lang.
Tunay na kahanga-hanga ang lakas ng loob na ipinapakita ng mga taong
tulad nila, hindi madali ang makisama sa ibang tao ngunit natututunan nila ito
sa kabila ng kanilang pagiging becky. Mahirap din magpakatotoo sa sarili lalo
na’t kapag alam mong maraming pwedeng kapalit ang iyong pagladlad, maari kang
itakwil ng iyong pamilya, maaari kang mawalan ng kinabukasan, maaari kang
mawalan ng kaibigan, at higit sa lahat ay maaaring mag-iba ang pananaw sayo ng
mga mahal mo sa buhay at ng mga tao sa paligid mo. Ito siguro ang katangian na
maikukumpara mula sa lalaki at mga becky, ang pagkakaroon nila ng paninindigan.
Ang kanilang paglaladlad ay isang malaking desisyon; ito ay isang desisyon na
dapat pinagiisipan mabuti at hindi ginagawa ng paura-urada. Hindi sila gumagawa
ng public annonouncement, ngunit kapag lumadlad na ay tiyak na meron na silang
ng ID ng mga becky, at siguradong may lifetime validity. Kapag nakapagladlad ka
na, ay hinding hindi ka na pwedeng umatras pa. Sabi nga nila, “there’s no turning
back.” nasa dugo na yan ‘te! J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento