Linggo, Marso 25, 2012
ANG THIRD SEX BA AY SICK
Noong unang panahon sinasabi ng karamihan ang bakla ay nakakahiya katauhan nag isang lalaki at ay nakakasira ng reputasyon ng pamilya ....Subalit ng lumaonsila ay unti unting tinanggap ng lipunan ,Dahil may mga bakla na sila ang nagiging susi ng pamilya para umangat ang kanilang kabuhayan at may bakla rin na matiyagang magaral at kadalasan pa nga ay sila ang nangunguna sa klase ,at karamihan sa kanila ay mapamaraan at mahusay ,humanap ng pagkakakitaan at madaling matuto sa ibat ibang larangan ng trabaho ..ang mapanglikha nilang kaisipanay lagi nilang ginagamit upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya.Tulad na lamang ng ipinakikita nilang kahusayan sa pagsasayaw karamihan ay sila ang nagtuturo sa mga grupong nagpapakitang bilang at gayon din saga kumpetisyon ,sila rin ang mga pangunahing direktor sa penikula at telebisyon .may mga bakla rin na sikat sa larangang ng pagawit sa buong mundo...sila rin ay malikhahin sa pagpapaganda at sa mga kasuotan ..sa kasalukuyan ay malaking porsinyeto nila ang may malaking paki nabang sa ating lipunang ginagalawan ..kaya nga at kung titingnan natin angmga taong normal na kasarian mayroong magagaling at may malaking porsiyento din sila na kapakipakinabang sa bayan..Subalit hindi natin matatanggi na lahat sila ay may matitinong kaisipan marami din ang lumalabag sa kautusan at batas ng tao at ang batas ng Diyos,gAYON DIN ang mga bakla mayroon din hindi matitino ang kaisipan kadalasan pa nga sila ang nagiging dahilan at sangkot sa mga gawaing ilegal at mayroon din lumalabag sav kagandahang asal..Kayat lagi nating tandaan sila rin ay tao tulad ng mag normal ang kasarian .May kasabihan ;"Ang sakit ng kalingkingan ay sakit buong katawan ".kaya pag may isang bakla na gumawa ng hindi maganda ay damay ang lahat ng bakla at nakatatak sa kaisipan ng mga tao na ang bakla ay sakit ng lipunan.Ngunit dapat nating malaman na ang taom ay ginawa ng Diyos na pantay pantay ibig sabihin ang TAO ay mula sa alabok at babalik din sa alabok ibat ibang panahon isinilang ngunit iisa lamang ang hahantungan lahat tayo BAKLA ,TOMBOY AT NORMAL sa takdang panahon ay uuwi sa tunay nating tahanan ....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento