Ang mga chorva ay mga taong maliligaya at sila ay magaling
magpasaya ng mga tao. Magaling silang ng kung ano-ano na maaaring magpatawa sa
mga tao. Madalas putak ng putak ang kanilang mga bibig at dahil dito, kaya
nilang kumuha ng atensyon. Base sa aking naobserbahan, madaming kakayahan ang
isang chorva na kakaiba kumpara sa mga pangkaraniwang mga tao sa lipunan. Sa
paaralan ang mga chorva ay masisigla sa klase at madalas silang pumukaw ng
pansin. Masipag din silang mag-aral ng mga aralin sa eskwela. Sa larangan ng
pagkanta ay nagpapakita din sila nang angking galing na kaya nilang
bumirit at makipagsabayan sa mga kalahok sa mga patimpalak, nagbabago bago ang
kanilang boses ito man ay panglalake o pang babae.
Sa larangan ng isports ay hindi din sila pahuhuli dahil
mayroon din silang angking galing pagdating sa kanilang pagklalaro ng kanilang
paboritong laro ang larong "Volleyball", na sa aking pag-oobserba, nakita
ko na magaling silang maglaro ng nasabing laro at nadodomina na nila ang
paglalaro nito kumpara sa mga kalalakihan. Iilan lamang ang mga ito sa mga
nabanggit na kanilang magaganda at magagaling na kakayahan na ipinakikita na
kung maikukumpara natin sa isang simple at pangkaraniwang tao sa lipunan ay
hindi naman nila iyon gaanong nagagawa o kayang gawin. Bukod pa dito, madami na
ding mga chorva ang sumisikat pagdating sa kanilang mga talento lalo ang mga
sumusunod na kilalang personalidad tulad nila Vice Ganda, Chocolate, Diego atbp
na malaki ang naitutulong lalo na sa pagpapasaya ng mga tao. Sa aking
palagay ay malaki na ang pinagbago ng mga chorva sa ating lipunan at mabilis
silang uunlad sa ibat-ibang larangan at nagbago na din ang pananaw ng mga tao
sa lipunan pagdating sa kanila dahil sa mga magagandang kanilang naiaambag sa
ating lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento