Linggo, Marso 25, 2012

Dumadaming Chorva


Maraming nagtatanong kung bakit at nais malaman ang iba pang mga dahilan sa mga tanong na lagging naririnig sa iba tulad ng Bakit dumarami ang mga churva eh di naman sila nanganganak? Maramingt mga negatibong tanong at dahilan ang kadaqlasan nating naririnig sa ibang tao ngunit kung iisipin nating ng mabuti ay may nagawa bang kasalanan ang mga churva sa atin? Simpleng tanong nga naman na mapapaisip ka kung bakit napakaraming negatibong naririnig natin tungkol sa mga churva. Sabi nila ang tao ay may kanya kanyang kakayahan depende kung saan mo ito gagamitin tulad ng pagpapasya, may karapatankang pumili. Ang mga churva ay marami nang napatunayan at nagawa tulad ng mga lengwahe nilang bekimon at pati jejemon na talagang kumakalat at nauuso.


Kilalanin ang mga Churvang Kaibigan


Sino nga ba ang mga churva! Maraming nagtataka sa mga churva, kung bakit sila lagi ang sentro ng atraksyon lalong-lalo na pagdating sa usapan tungkol sa mgta kasiyahan at mga pagpapatawa, ano nga ba ang meron sa kanila na wala sa mga lalaki at babae, ang mga churva ay may pusong babae kaya marami silang magiging kaibigan babae man o lalaki ang usapan. Nakakainggit nga naman minsan ang mga churva kasi napakarami nilang nagagawa katulad ng pagiging masayahin sa kabila ng maling pagtingin sa kanila ng ibang tao. Para sa akin ang magkaroon ng churvang kaibigan ay napakasaya dahil nalalaman mo kung paano sila gumagalaw, paguugali at ang tunay na saloobin nila at higit sa lahat ay mas makikilala mo pa sila at hindi sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao kundi sa mga magagandang pakikisama nila sa atin sa pagiginbg tunay na  kaibigang churva at kung ang pag-uusapan naman ang isports alam naman natin na hinding-hindi magpapadaig ang mga churva, tulad ng larong volleyball na halos churva na ang pumapalit sa mga lalaki dahil sa mas marami sila at ang mga churva ay sobrang talentado talaga, dahil ang maraming churva na ang sumikat sa buong mundo, tulad nalang ng isang churva na halos kilala ng lahat. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Vice ganda na sikat na sikat na talaga. Isang komidyanteng churva na napakagaling pumick-up ng mga linya upang magamit sa pagpapatawa. Ang uri nga pagpapatawa ni Vice ganda ay napakasimple lang ngunit ginagamitan niya ito ng pamimilosopo at logic upang ibalik bumanat ng isang linya na in na in tlaga. 

SALOT NGA BA SILA?

 Maraming tao ang humuhusga sa kanila at nagsasabing salot sila sa lipunan.Kapag nagkaroon ka ng anak na bakla ay mamalasin ka.Napatunay naba natin ito.Minsan kailangannatina alamin kung bakit nga nila napili ang landas na iyon,hindi yung wala tayong ibang ginawa kundi husgahan sila.Minsanisang araw may nakilala akong bakla sa lugar namin.Nagseservie sya ng manicure at pedicure.Nagpalinis ako taposnakakwentuhan ko sya tinanung kung san sya nakatira,ano pa trabaho nya,kungmay pamilya pa sya at kung masaya sya kung ano sys ngayon.Tumingin sya sakin at ngumiti,akala ko hindi nya ko sasagutin kaya tumahimik ako.Dun sya nagsimula Magkwento.Nakatira ko dyan sa kabilang kanto,bagong lipat lang kamidito,wala pa masyadong kakilalakaya nagbabahay-bahay ako.gumogora lang magisa ang lola mo .hahaha oo nman miss beautiful may pamilya pa ako,nanay ko nasa bhay lang tapos may dalawang pa akong kapatid na nagaaral,yung tatay ko naman ayon sumakabilang buhay na.Nakikipaglaro na sa mga angel.biro lang.Tuwing umaga hanggang hapon nagseservice ako pagdating ng gabi tagabantay akon sa nanay ko na may sakit.May sakit kasi sya mahina na dala ng katandaan.Kaya kumbaga ako ang pumalit sa tatay ko.Kahit mahirap kinakaya para na din sa mga kapatid ko ,magkaroon sila ng magandang kinabukasan.At di sila matulad sakin hindi nakatapos,sa nanay ko para matustusan ko ang pangangilangan nya para na din sa mga gamot nya.Gusto ko bumalik yung sigla ni nanay.Nako bakla napakadrama kona ,jumujulo na fuhako tech.natawanan kaming dalawa.tapos nung tumigil sya inulit ko yung tanung ko sa kanya na kung masaya ba syadi agad sya sumagot tapos nung iibahin ko na sana yung topic namin.Bigla sya nagsalita ng OO naman kahit nung una maraming tao ang ayaw sakin kinukutya nila ko. sinasabings salot ako bawal ako sa lugar namin ,malas sa pamilya ko kasi may anak sila bakla.kahit nga ngayonmajonda na ang nanay ko inaaway nya ang mga nanlalait sakin.haha kaya pinanganko ko kay nanay lage ko sya aalagaan at hindin ko sya pababayaan . hala teh ayan beautiness na feetirt mo.Tapos na... wonderful .Madami pa kami napagkwentuhanbasta lalo ako nalinawan sa pgkatao ng mga tulad nya.Ngayon para sayo masasbi mo bang salot sila??mag isip muna tayo bago natin sila husgahan.Alamin muna natin ang tunay nilang pagkatao.Irespeto natin sila tulad ng pagrespeto natin sa sarili natin .. 

ANG THIRD SEX BA AY SICK

 Noong unang panahon sinasabi ng karamihan ang bakla ay nakakahiya katauhan nag isang lalaki at ay nakakasira ng reputasyon ng pamilya ....Subalit ng lumaonsila ay unti unting tinanggap ng lipunan ,Dahil may mga bakla na sila ang nagiging susi ng pamilya para umangat ang kanilang kabuhayan at may bakla rin na matiyagang magaral at kadalasan pa nga ay sila ang nangunguna sa klase ,at karamihan sa kanila ay mapamaraan at mahusay ,humanap ng pagkakakitaan at madaling matuto sa ibat ibang larangan ng trabaho ..ang mapanglikha nilang kaisipanay lagi nilang ginagamit upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya.Tulad na lamang ng ipinakikita nilang kahusayan sa pagsasayaw karamihan ay sila ang nagtuturo sa mga grupong nagpapakitang bilang at gayon din saga kumpetisyon ,sila rin ang mga pangunahing direktor sa penikula at telebisyon .may mga bakla rin na sikat sa larangang ng pagawit sa buong mundo...sila rin ay malikhahin sa pagpapaganda at sa mga kasuotan ..sa kasalukuyan ay malaking porsinyeto nila ang may malaking paki nabang sa ating lipunang ginagalawan ..kaya nga at kung titingnan natin angmga taong normal na kasarian mayroong magagaling at may malaking porsiyento din sila na kapakipakinabang sa bayan..Subalit hindi natin matatanggi na lahat sila ay may matitinong kaisipan marami din ang lumalabag sa kautusan at batas ng tao at ang batas ng Diyos,gAYON DIN ang mga bakla mayroon din hindi matitino ang kaisipan kadalasan pa nga sila ang nagiging dahilan at sangkot sa mga gawaing ilegal at mayroon din lumalabag sav kagandahang asal..Kayat lagi nating tandaan sila rin ay tao tulad ng mag normal ang kasarian .May kasabihan ;"Ang sakit ng kalingkingan ay sakit buong katawan ".kaya pag may isang bakla na gumawa ng hindi maganda ay damay ang lahat ng bakla at nakatatak sa kaisipan ng mga tao na ang bakla ay sakit ng lipunan.Ngunit dapat nating malaman na ang taom ay ginawa ng Diyos na pantay pantay ibig sabihin ang TAO ay mula sa alabok at babalik din sa alabok ibat ibang panahon isinilang ngunit iisa lamang ang hahantungan lahat tayo BAKLA ,TOMBOY AT NORMAL sa takdang panahon ay uuwi sa tunay nating tahanan .... 

Huwebes, Marso 22, 2012

BEKIMON

Ang Bekimon ay salitang ginangamit ng mga bakla. Salitang mahirap intindihin ng mgat taong hindi sanay sa salitang ito. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. CHORVA - wala lang
2. Anda/Andalush - pera
3. Cynthia - a play on the word "sino siya"
4. Char/Charing - joke
5. ChuckieDreyfuss - panget/chaka
6. Plangak - mismo/correct
7. Junaris - anak
8. Baryotik - walang alam na high-tech / galing sa barrio
9. Gurami - matanda
10. Julis - umalis
11. Bet - pagkagusto
12. Legwak - na lost, namatay o di na natagpuan
13. Machuba - mataba
14. Wakobet - di gusto
15. Kurash - correct/tama
16. Dedma - to ignore/dead malice.
17. Windang - feeling/ looking harassed
18.Kiaw/kiyaw - thousand
19. Purita mirasol - mahrap
20. Sinitch - sino?
21. Pamin/Paminta - closet gay
22. Jerflits - klepto o magnanakaw
23. Japan- go or leave
24. Utaj - person/people
25. Warla - away
26. Trulili- totoo
27. Kebs/Keber - walang pakialam
28. Yaming - mayaman
29. Waley/Wiz - wala
30. Echosera - bolera

Ilan lamang yan sa salitang bekimon na ginagamit ng mga bakla ngayon.

Ang Buhay ng isang Bakla

Ang bakla ay hindi pa gaunun katanggap ng karamihang tao sa ating bansa. Kadalasan sila'y di natatanggap ng mismong pamilya nila. Lalo na ang kanilang ama, dahil para sa kanila ay nakakahiya ang magkaroon ng anak na bakla. Meron din naman na natatanggap ng kanilang mga magulang ang pagiging bakla nila. Sa mga tao sa paligid madalas silang kinukucha dahil sa kanilang kasarian. Minsan silay kinaiinisan din sila dahil sa kaiibang uri ng kanilang pagsasalita na tinatawag na BEKIEMON, at sa kanilang pananamit at paglalagay ng make-up.
Meron naman mga bakla na gustong mag pa sexual transplant, na para sa iba ay hindi dapat gawin ng isang tao.

Pagdating naman sa pag-ibig minsan niloloko sila ng kanilang lalaking minamahal.
Meron kasing lalaking pineperahan lang sila. pero hindi naman lahat ay ganun ang nararanasan.
Marami narin ngayon ang gustong maging kaibigan ang bakla dahil masaya silang kasama.
Marami narin ang artistang bakla ngayon. Ang pinakasikat ngayon ay si Vice Ganda na kinagigiliwan ngayon dahil sa galing niyang magpatawa. nagiging  bukas na ang isipan ng mgat tao para sa mga bakla, na dapat tanggapin at irespeto sila kung sino sila. Hindi dapat sila kainisan o pandirihan ng kung sino man.

TAGUAN

Eto naman ang iba sa kanila, ang TAGUAN. Magtataka kayo kung bakit ko tinawag na taguan? Bakit nga ba? Sa kadahilanan na ang ibang mga bekie ay disente kung manamit at gumalaw kaya di mo aakalain na sila'y CHORVA pala. Bilang respeto din siguro sa 
kanilang pamilya at propesyon kaya sila disente kung manamit.
 
Sa kabilang dako, sila'y may takot o nahihiya lang silang aminin kung ano man sila, sa kabila ng mga ito kelangan pa din natin silang tanggapin, respetuhin at galangin di lang bilang tao kundi bilang kapatid natin na nilikha ng Diyos.

Lantaran


                                                           


Alam natin na madaming bakla sa paligid. Ilan sakanila ay Lantaran; bakit ko nga ba tinawag na lantaran? Isa sa mga kadahilan ay ang pananamit nila, mas nahihigitan pa ang babae kung makapag panamit o makapag ayos ng sarili kumbaga yun ang tinatawag nila sa kanilang mundo na "Fashion". E ano nman sainyo? Walang ni isa satin ang may karapatang sitahin sila o anu man dahil sa mundong kinatatayuan natin ay mayroong FREEDOM  na kung tinatawag. Kahit sabihin nating nakakairita o ano man interpretasyon sa kanila ng ibang tao, kelangan pa din nating tanggapin at respetuhin sila dahil aminin man natin sa hindi ang iba sa kanila ay hindi nakakasagabal sa atin.



Diskriminasyon: Tama na, Sobra na!

Diskriminasyon. Ito ang madalas makuha ng mga bakla mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Maging ang mismong pamilya sila'y dinidiskrimina. Ngunit ano ba ang ang dapat na pagtrato sa kanila?


      Sa mundong puno ng taong napakahusga,
Saan ba dapat lumugar ang tulad nila?
   Maaring ikaw na nagbabasa,
 Sila rin ay dinidiskrimina.

Ang hindi mo nalalaman
Sila'y nasasaktan
Sino ba naman
Ang gustong husgahan?

Akin lamang puna
Sana'y inyong bigyang halaga
Sila'y tao rin naman
Marunong din masakatan

Panghuhusga'y tigilan
PAra walang masaktan
Pagka't iyong ginagawa,
Ikaw rin ang Kabaliktaran.

GAY AKO, PROUD AKO


Maraming klase ngayon ng bakla ang naninirahan dito sa mundo. May baklang lantad, baklang tago, baklang 
nagpapakalalake, cross-dresser, transgender, biseual at marami pang iba.

Sa panahon ngayon daig pa ni beki ang mga lalake. Sila'y maraming diskarte sa buhay. Maaaring lapitan sa oras ng pangangailangan, tunay na kaibigan at tunay rin kung magmahal. Maglalagay ng ngiti sa kaibigang nahihirapan.

Ang bakla maraming alam na trabaho. Kaya maging barbero, manicurista, pedicurista at lahat ng may rista. Pati trabaho ng mga macho kanila ring pinapasok. Nariyang construction worker, security guard, masonista, lahat rin ng may nista. Its all true. Bekie evades all.
'Nong saveh ng madur mo sa beauty ni Beki?

Ang paglaladlad ng mga echoserang froglets...


Minsan ay namasyal ako sa isang mall at bago pa man ako lumibot ay naisipan ko munang dumaan sa banyo. Nakasalubong ko ang isang grupo ng mga bakla, at tinawag ko silang Charlie’s Angels. Nagawa nilang mapukaw ang atensyon ko dahil narinig kong sumigaw ang kanilang leader ng “mga bakla, c.r. tayo! Ayy, nalito ako. Saan ba dapat tayo papasok. Sa girls o sa boys?” Sinabi niya ito na nasa seryosong tono at hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa. Napaisip din ako nung bandang huli na totoo ngang napakahirap ng sitwasyon nila sa ating lipunan.

Ayon sa kaibigan kong becky, ang pinakamahirap daw ng parte sa buhay nila ay ang paglaladlad at pagtanggap ng mga tao sa mga tulad nila. Maraming pwedeng pag-ugatan ang kanilang tunay na katauhan. Marahil yung iba ay nakatitig na sa gwapong doctor pagkalabas nila sa sinapupunan ng kanila ina, o di kaya’y likas ng nasa dugo nila o sa madaling salita ay ang mga baklang “ready-made”. Mayroon din namang napaligiran ng kapatid na puro babae kaya nahawa na din sa pagkamalambot nila, at tuluyang nagfeeling babae, ang iba naman siguro’y bata pa lamang ay may sintomas na ni wonderwoman- paborito nilang gampanan ang pagiging nanay sa bahay-bahayan, ang pagkahilig sa lutu-lutuan, at kung anu pa mang gawaing bahay, higit sa lahat ay ang pagkakaroon nila ng sariling Barbie doll at doll house.

Eto ang proseso ng metamorphosis na pinagdadaanan ng bawat isa sa kanila...

Ang mga batang pa-girl. Ito ang mga bagets na sa kabila ng kanilang murang edad ay dumadaan na sa kanilang tinatawag na busilak moment dahil sa posibilidad nilang mapabilang sa pederasyon. Wari’y walang alam sa mundo na may umiiral na pala na dugong becky. Hilig nilang panuorin ang mga palabas ni kuya dick, bukambibig din nila ang ultimate idol nilang si lady gaga, at higit sa lahat ay tumitikwas na ang kanilang mga daliri’t kumekembot na ang pwet. Sa kabila ng mga sintomas na taglay nila ay sige pa din sa pagtanggi na hindi cla bading.

Lumipas ang ilang taon, ang mga batang pa-girl ay bagets na. Sila ay nagsisimula ng mahumaling sa kapwa lalaki at hindi sa mga babae. Dumaranas na sila ng pagkalito nila sa atraksyon sa ibang tao. Saan nga ba dapat? Sa babae, o sa lalaki? Kunwari hindi bakla, pero nagdeday-dream ng kasal-kasalan at bahay-bahayan with Piolo Pascual.

Nagsimula na ang pakiramdam mong kakaiba ka sa mga normal na lalaki sa kabila ng pagkakaroon mo ng bigote at adam’s apple. Dito na pumapasok ang Narnia moment na kung saan ay todo tago ka sa tunay mong pagkatao dahil baka maitakwil ka ng wala sa oras. Kumbaga para kang isang bulkan na anytime ay pwede ng sumabog, pero hindi pwedeng ladlad to da max dapat suwabe at dahan-dahan lang.  Sa pagkakataong ito ay kontrolado mo lahat ng kilos at galaw mo kahit kating-kati ka na bumili ng kikay na headband, at makukulay na accessories ng idol mong si Jolina. Bukod ditto, bet na bet mo pa ang kanta ni Christina Aguilera na Reflection. Hala, sige birit pa! “When will my reflection show, who I am inside...”

Bursting moment. Umaabot ka sa puntong hindi mo na kaya at mababaliw ka kapag hindi ka pa lumadlad. Give na give na dapat. Ito ang parte ng buhay mo na kung saan ay wala ka nang pakialam sa pwedeng mangyari, ang importante lang ay makawala ka sa katawan ni batman at pumasok sa katawan ni wonderwoman. Dito na nagsimula ang iyong pagka-emotera, at todo experiment sa face ang lola. Natututo ka na din sumali sa iba’t ibang pageant at dinadaig mo na rin ang tsunami walk ni Shamcey. Pero keribels mga ‘teh! Nagpapakatotoo lang.

Tunay na kahanga-hanga ang lakas ng loob na ipinapakita ng mga taong tulad nila, hindi madali ang makisama sa ibang tao ngunit natututunan nila ito sa kabila ng kanilang pagiging becky. Mahirap din magpakatotoo sa sarili lalo na’t kapag alam mong maraming pwedeng kapalit ang iyong pagladlad, maari kang itakwil ng iyong pamilya, maaari kang mawalan ng kinabukasan, maaari kang mawalan ng kaibigan, at higit sa lahat ay maaaring mag-iba ang pananaw sayo ng mga mahal mo sa buhay at ng mga tao sa paligid mo. Ito siguro ang katangian na maikukumpara mula sa lalaki at mga becky, ang pagkakaroon nila ng paninindigan. Ang kanilang paglaladlad ay isang malaking desisyon; ito ay isang desisyon na dapat pinagiisipan mabuti at hindi ginagawa ng paura-urada. Hindi sila gumagawa ng public annonouncement, ngunit kapag lumadlad na ay tiyak na meron na silang ng ID ng mga becky, at siguradong may lifetime validity. Kapag nakapagladlad ka na, ay hinding hindi ka na pwedeng umatras pa. Sabi nga nila, “there’s no turning back.” nasa dugo na yan ‘te! J

Trip ng mga doble-karang Chorva


Sa panahon ngayon,ang mga bakla o ang nasa ikatlong kasarian ngayon ay maituturing talagang out of this worlda na mga hilig. Mga bakla na kung anu’anong mga bisyo,gimik at kung anu’ano pa. mga gimik na sa oras nd hindi mo aakalain na magagawang isang kabataan o pati na sa mga matatatanda. inom,yosi,bar,kantahan,sayawan at kung iba’t iba pang mga gawain ng mga baklang hindi natin malaman kung ano ba ang mga nasa isipan. Mayroon pa nga minsan na tawagan, code name, mga kung anu’anong uri ng mga salita ang kanilang ibinibigkas.lahat na yata ginawa nila.gumawa ng sariling republiko na lang yata ang kulang. Ngunit sa kabila ng mga gimik at sa kabila ng makakapal na make-up ay mayroong katotohanan na ang kanilang uri ay hindi pa tanggap ng karamihan. Pang aalipusta, diskriminasyon at paghuhusga. Yan ang mga bagay na gumigiba sa kanilang mga buhay. Mga bagay n asana ay hindi nila nararanasan dahil sila ay tulad din nating mga normal. Mga tao rin sila na nagkataon lang na napili nila at pinanindigan na nila ang pagiging bakla.

“Sumasalakay na ang mga sirena sa sankalalakihan, mag-ingat sa mga babaylan...”


Maaaring ito ang madalas sambitin ng mga kalalakihan, o ng kahit na sino pa man sa tuwing makakakita sila ng miyembro ng pederasyon. Hindi maikakailang napakarami na ang lumaladlad ngayon. Mapasaan ka man lumingon ay makakakita ka ng mga makukulay na paru-paru na malayang nakalilipad sa mga pula at puting rosas. Iyan ang mga lalaking dumaan na sa proseso ng metamorphosis, ang mga dating caterpillar na naging butterfly. Ngunit may ilan pa din sa kanila na nakakulong sa kanilang tunay na katauhan. Nakakulong pa din ang kanilang pusong mamon lalo na sa mayroong ama na may bitbit na sandata’t sinturon. Tunay na malakas ang personalidad ng mga bakla. Ang kanilang pagiging kakaiba sa pananamit, sa pisikal na anyo, sa pagsasalita, sa nakakatawa nilang pagkilos, at higit sa lahat ang pakikitungo nila sa ibang tao ang nagiging dahilan para mahalin sila ng iba. Kilala rin sila sa personalidad na pagiging masayahin, matalino, madiskarte sa buhay, prangka at maging sa pagiging nakakatawa sa ano mang bagay.  Ngunit sa likod ng masasayang halakhak nila, ay may lungkot at poot din silang nararamdaman dahil sa pangungutya ng ilan sa kanilang katauhan. May iba rin naman na umaabuso sa kanilang mga kahinaan at pagkatao. Maaaring dahil iba ang paningin at pananaw sa kanila. Bakit nga ba iba? Sa relihiyosong pananaw, sinasabi sa biblia na "walang ginawa ang Diyos na bakla, at isa itong malaking pagkakasala sa kanya".  Ayon sa kanila, tanging ang nilikha ni Hesus ay ang mga lalaki at babae lamang. Maaaring ang intindi ng iba rito ay higit pa sa kasarian, kundi ang pagkatao ng pagiging tunay na lalaki at babae. Bawal ang unidentified flying object o anumang alanganing bagay sa mundo. Ngunit ayon kay Sophocles, isang Gregong manunulat, “Maraming magagandang bagay dito sa mundo, at wala ng gaganda pa sa tao”. Kasalanan ba ang pagiging alanganin sa kasarian ng mga bakla? Ito marahil ang matinding sakit ng ating lipunan, ang pagiging mapanghusga sa iba. Hindi ba’t dapat pa natin silang saluduhan dahil sa pagpapakatotoo nila sa sarili, at sa kabila man ng iba nilang katauhan ay mayroon pa rin silang puso at damdamin. Magiging katanggap-tanggap pa din sila sa mata ng sino man kung patuloy silang gagawa ng kabutihan, at wala silang inaapakan na tao. Ang responsibilidad lang natin sa mga tulad nila ay ang pagbibigay sa kanila ng respeto, dahil pare-pareho tayong mahal ng Diyos, at hindi pamantayan ang kasarian para mahalin tayo ng iba. Lahat tayo ay binigyan ng pantay-pantay na karapatan para mamuhay sa mundong ibabaw.

Ang paglaganap ng mga Chorva

         Sa panahon ngaun, iba na ng environment n gating mga anak na lalaki. hindi tayo sigurado about dun sa mga nangyayari sa ating mga anak kung sila ba at tunay o hindi. Maaaring may hindi tayo nalalaman tungkol sa mga gusto at ang mga hilig nila. Minsan pa nga ay akala mo tunay na lalaki pero bakla pala at malamya. hindi natin malalaman kung bakit sila ay nagkakaganun, kung ginusto ba talaga nila yun o dahil lang sa mga nakakasalamuha nila sa mga kapaligiran. bakit nga ba ??  
         
         Kadalasan sa mga magkakasama ay madali na nating matukoy o malaman ang mga hilig nila at madali na din nating maikumpara ang kanilang mga pag’uugali. Tulad ng mga bakla, pare’parehas ng mga hilig at nakakatulad ng mga ugali. Paano nga ba sila nagiging ganap na mga bakla? Saan ba ito nagsisimula?. Marahil ito ay nang dahil na din sa kanilang kapaligiran at sa kanilang mga nakakasalamuhang mga tao. Mahirap paniwalaan pero kailangang tanggapin,ngunit hindi tama. Dahil dalawang uri at aspeto lang ang ginawa ng diyos. Kundi ang lalaki at babae lamang. Masakit mang tanggapin sa ma mata ng tao,pero dahil kanya’kanya na tayo ng desisyon at pananaw sa buhay,patuloy  at patuloy na din ang paglaganap ng mga bakla. J

Chorvang may Angking Galing



      Ang mga chorva ay mga taong maliligaya at sila ay magaling magpasaya ng mga tao. Magaling silang ng kung ano-ano na maaaring magpatawa sa mga tao. Madalas putak ng putak ang kanilang mga bibig at dahil dito, kaya nilang kumuha ng atensyon. Base sa aking naobserbahan, madaming kakayahan ang isang chorva na kakaiba kumpara sa mga pangkaraniwang mga tao sa lipunan. Sa paaralan ang mga chorva ay masisigla sa klase at madalas silang pumukaw ng pansin. Masipag din silang mag-aral ng mga aralin sa eskwela. Sa larangan ng pagkanta  ay nagpapakita din sila nang angking galing na kaya nilang bumirit at makipagsabayan sa mga kalahok sa mga patimpalak, nagbabago bago ang kanilang boses ito man ay panglalake o pang babae.
      
        Sa larangan ng isports ay hindi din sila pahuhuli dahil mayroon din silang angking galing pagdating sa kanilang pagklalaro ng kanilang paboritong laro ang larong "Volleyball", na sa aking pag-oobserba, nakita ko na magaling silang maglaro ng nasabing laro at nadodomina na nila ang paglalaro nito kumpara sa mga kalalakihan. Iilan lamang ang mga ito sa mga nabanggit na kanilang magaganda at magagaling na kakayahan na ipinakikita na kung maikukumpara natin sa isang simple at pangkaraniwang tao sa lipunan ay hindi naman nila iyon gaanong nagagawa o kayang gawin. Bukod pa dito, madami na ding mga chorva ang sumisikat pagdating sa kanilang mga talento lalo ang mga sumusunod na kilalang personalidad tulad nila Vice Ganda, Chocolate, Diego atbp na  malaki ang naitutulong lalo na sa pagpapasaya ng mga tao. Sa aking palagay ay malaki na ang pinagbago ng mga chorva sa ating lipunan at mabilis silang uunlad sa ibat-ibang larangan at nagbago na din ang pananaw ng mga tao sa lipunan pagdating sa kanila dahil sa mga magagandang kanilang naiaambag sa ating lipunan.

Chorvang Masayang Kasama


    Sa paaralan o sa barkadahan man ay masarap kasama ang mga chorva dahil nakapagbibigay sila ng kakaibang saya sa bawat-isa. Hindi lamang iyon nakapaglalagay sila ng ngiti sa bawat labi ng mga taong kanilang napapasaya. Sa isang klase masarap magkaroon ng kasamang chorva, iyon ay sa kadahilanang sila ay palakaibiganin sa kanilang mga kaklase at palagi silang nagpapatawa. Madami silang  mga naiisip na salita na kung saan ito ang kanilang mga ginagamit na lengwahe sa pananalita, isa na dito ang lengwaheng "Gaylingo" at   "Bekimon" na ibig sabihin ay mga salitang galing o gawa ng mga Chorva upang maging kakaiba silang pansinin kupara sa mga pangkaraniwang salita ng mga estudyante o mga tao. Nakakatawang pakinggan kapag ito ang kanilang ginagagamit na salita dahil ang mga salitang kanilang gawa ay mga  salitang kakaiba at katawa-tawa. Kadalasan ay masisipag din silang mag-aral at kasama kaya naman mas magiging masaya silang kasama sa eskwela.

      Iba ang kanilang naibibigay na saya at ngiti sa mga tao sa kabila ng mga hinaharap na pagsubok ng mga estudyante, para bang wala silang iniisip kundi ang magpatawa at magpasaya ng kanilang mga kaklase at mga kabarkada. Masaya silang kasama sa kadahilanang masisigla sila sa klase at aktibo sila sa kanilang mga aralin, sa alin mang pagsubok na dumarating ay alam na alam mong hindi ka niya iiwan at kaya kadin niyang tulungan sa iyong mga problema pagdating sa paaralan. Ibang-iba talaga ang mga chorva dahil sa kanilang kakaibang ugaling ipinapakita, madali silang pakisamahan at pakitunguhan. Mas magiging maganda kung magtutuloy-tuloy lang ito at huwag magbabago ang ganitong ugaling kanilang ipinapakita, dahil ito ay nagbibigay ng malaking tulong, saya, at ngiti sa mga tao.