Sa paaralan o sa barkadahan man ay masarap kasama ang mga chorva dahil
nakapagbibigay sila ng kakaibang saya sa bawat-isa. Hindi lamang iyon
nakapaglalagay sila ng ngiti sa bawat labi ng mga taong kanilang napapasaya. Sa
isang klase masarap magkaroon ng kasamang chorva, iyon ay sa kadahilanang sila
ay palakaibiganin sa kanilang mga kaklase at palagi silang nagpapatawa. Madami
silang mga naiisip na salita na kung saan ito ang kanilang mga ginagamit
na lengwahe sa pananalita, isa na dito ang lengwaheng "Gaylingo" at
"Bekimon" na ibig sabihin ay mga salitang galing o gawa ng mga
Chorva upang maging kakaiba silang pansinin kupara sa mga pangkaraniwang salita
ng mga estudyante o mga tao. Nakakatawang pakinggan kapag ito ang kanilang
ginagagamit na salita dahil ang mga salitang kanilang gawa ay mga
salitang kakaiba at katawa-tawa. Kadalasan ay masisipag din silang
mag-aral at kasama kaya naman mas magiging masaya silang kasama sa eskwela.
Iba ang kanilang naibibigay na saya at ngiti sa mga tao sa kabila
ng mga hinaharap na pagsubok ng mga estudyante, para bang wala silang iniisip
kundi ang magpatawa at magpasaya ng kanilang mga kaklase at mga kabarkada.
Masaya silang kasama sa kadahilanang masisigla sila sa klase at aktibo sila sa
kanilang mga aralin, sa alin mang pagsubok na dumarating ay alam na alam mong
hindi ka niya iiwan at kaya kadin niyang tulungan sa iyong mga problema
pagdating sa paaralan. Ibang-iba talaga ang mga chorva dahil sa kanilang
kakaibang ugaling ipinapakita, madali silang pakisamahan at pakitunguhan. Mas
magiging maganda kung magtutuloy-tuloy lang ito at huwag magbabago ang ganitong
ugaling kanilang ipinapakita, dahil ito ay nagbibigay ng malaking tulong, saya,
at ngiti sa mga tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento